Makailang ulit na rin na ako’y magtaka kung ano ba ang pag – ibig. Madami na akong narinig na mga kasabihan at depinisyon pero ni isa sa mga ito ay hindi bumagay sa ’kin. Isang beses ay sapilitan akong hiningan ng aking ideya tungkol sa pag – ibig, at ang tanging nasabi ko lang ay “it’s unpredictable” o kung isasalin sa ating wika ay “hindi madidiktahan”. Hindi ko alam kung sa’ng lupalop ng mundo ko hinugot ang sagot na ito at kung pa’no ko nasabi ‘yan, ang alam ko lang talaga ay mahirap tukuyin ang mga susunod na pangyayari ‘pag ito na ang napag-uusapan.
Pa’no ko nga ba nasabi ito? Marahil ay dahil na rin sa tuwang naidudulot nito sa’kin tuwing siya ay nakikita ko, at paminsan-minsan ay ang lumbay na kalakip nito tuwing may araw na magdaraan at hindi kami nagkikibuan. Isama na din natin yung mga panahong ako ay tila naiinis sa kanya tuwing kami ay nag –aasaran at nagkakapikunan at syempre, ang kaba at mabilis na pagtibok ng aking puso kapag siya’y lumalapit o nangangausap. Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung natunton ko na nga ba ang tunay na kahulugan nito pero masasabi ko na naramdaman ko na ang pag – ibig.
I did this randomly. I know, it sucks.
No comments:
Post a Comment