Tuesday, June 7, 2011

KASALUKUYAN: Mga "Ayoko" Mangyari (mga sinabi ko sa kaibigan ko)

Ayoko umalis ng highschool. Kase...
  • Ayokong hindi makita si *** araw araw
  • Ayoko syang lumayo ng bahay
  • Ayokong di sya makita mag basketball
  • Ayokong hindi nya ko kinukulit araw araw
  • Ayokong hindi kinikilig araw araw
  • Ayoko nang nag aalala
  • Ayoko nung iniisip kung nasa'n na sya kase di ko sya madalas nakikita
  • Ayoko yung asa ako ng asa na makakasabay ko sya sa kung saan kase gusto ko sya makita
  • Ayoko yung inaalala ko lang lahat ng nangyare, gusto ko sana nadagdagan yun... kung kasama ko lang sya eh
  • Ayokong hindi nakikita mga ginagawa mo... baka magka girlfriend sya eh. Tas di ako yun. BIRO LANG
  • Ayoko din pala ng pinapakilig nya ko minsan, kase pakiramdam ko ginagago nya lang ako
  • Ayoko namang hindi nararamdaman yun
  • Ayokong magselos pero nagagawa ko kahit ayoko
  • Ayoko talaga ng nararamdaman ko sa totoo lang, kaso ang hirap pigilan
  • Ayokong din namang masaktan, kaso tinitiis ko kase baka may mangyaring maganda
Pero ang pinaka ayoko sa lahat eh yung hindi ko magawang aminin sayo na gusto kita talaga. Gustong gusto. Gustong gusto kitang talaga, JEM.

No comments:

Post a Comment